Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa dagsa ng mga turista sa iba’t ibang tourist destination sa bansa kabilang na ang Boracay.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos ay dahil sa papalapit na ang panahon ng tag-init gayundin ay nagluwag na ang mga quarantine restriction sa kabila ng umiiral na pandemiya ng COVID-19.
Ayon kay Carlos, inatasan na niya ang iba’t ibang yunit ng Pulisya na paigtingin ang kanilang pagpapatupad ng Health and Safety Protocols gayundin ang kanilang kampaniya kontra Krimen.
Maliban dito, nakatutok din ang mga Tourist Police para ipatupad ang mga pina-iiral na ordinansa ng mga lugar na madalas dayuin ng mga turista.
Kabilang ang Boracay Island sa Aklan sa mga dinaragsa ng mga turista na ngayo’y tulad ng Metro Manila ay nasa ilalim na rin ng Alert Level 2. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)