Nanawagan ang isang human rights group na muling magkaroon ng peace talks ang gobyerno at CPP – NPA.
Kasunod ito ng sunod – sunod na pagpatay sa Negros Island na sinasabing kagagawan ng mga rebelde.
Ayon kay Defend Negros Movement Convenor at dating Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao, ang pagbabalik sa usapang pangkapayapaan ay pinakamainam na opsiyon para matigil ang mga pagpatay.
Ngunit ang problema aniya sa administrasyong Duterte ay gigil itong iresolba ang mga insurgency sa pamamagitan ng military solution na ilang beses na ring nabigo batay sa ating kasaysayan.
Iginiit ni Casilao na hindi mga rebelde kundi death squad ang siyang nasa likod ng pamamaslang.