Ikinatuwa ng AirAsia Philippines ang pagdami ng bookings ng mga travelers mula sa ibang bansa.
Sa interview ng DWIZ kay AirAsia Spokesperson Steve Dailisan, sinabi niya na malaking tulong ang pagdagsa ng mga turista mula sa ibang bansa kung saan, mula noong Pebrero a-1 hanggang a-17 ay pumalo na sa 80K ang bilang ng mga foreign arrivals sa bansa.
Ayon kay Dailisan, umaasa ang AirAsia Philipines na magtutuloy-tuloy ang influx ng foreign travelers upang mabawi ang nalugi sa mahigit dalawang taong paghihigpit ng gobyerno sa travel restrictions.
Bukod pa dito, marami naring mga empleyado ng AirAsia ang nakabalik sa kanilang serbisyo dahil sa mataas na demand ng mga turista.
Samantala, nagbabala naman sa publiko si Dailisan kaugnay sa mga gumagamit sa pangalan ng kanilang ahensya kung saan, may ilang mga nagpapanggap na empleyado ng airasia para makapangloko ng mga aplikante. —sa panulat ni Angelica Doctolero