Iminungkahi ni Marikina Rep. Bayani Fernando ang muling pagbuhay sa Organized Bus Route System (OBR) para masolusyunan ang traffic sa Metro Manila.
Ayon kay Fernando, ang naturang traffic scheme noong 2006 sa ilalim ng kaniyang pamumuno bilang dating MMDA Chairman ang naging epektibong solusyon para maresolba ang traffic sa EDSA.
Sa ilalim aniya ng sistemang ito mamarkahang A at B ang dalawang linyang nakalaan sa mga city bus sa EDSA.
Ang bawat linya umano ay may mga nakatalagang bus stops sa mga lugar na maraming pasaherong nag-aabang.
Paliwanag pa ni Fernando, ang mga provincial bus naman na babalik na sa kanilang mga lalawigan ay hindi maaaring magsakay o magbaba kung saan nila gusto maliban sa kanilang itinakdang terminal.