Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng puwersa ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) SOU – NCR ang isang drug pusher sa bahagi ng Baesa Road, Caloocan City.
Kinilala ang suspek na si Randy Rafael y Rodriguez, alyas “RR”, 42-anyos na nakuhanan ng 15 piraso ng teabug na naglalaman ng higit kumulang sa 15 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1M, dalawang piraso ng P1K na may ultra violet powder na may kasamang 15 piraso na nakabundle na tig-iisang libo piso bilang boodle money at isang basic cellular phone.
Ayon sa mga Otoridad, matagal nang minamanmanan ang suspek kung saan, isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer hanggang sa makuha nito ang tiwala ng suspek.
Dito na napag-alaman na ang nasabing suspek ay nagtratrabaho umano sa isang Chinese personality na itinago sa pangalang alyas “Lim” na kung saan ay hayagang namamahagi ng iligal na droga sa metro manila at mga kalapit na rehiyon.
Dadalhin sa PDEG SOU-NCR, sa Camp Crame sa Quezon City ang suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang dokumentasyon at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comrehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero