Ibinabala ng Confederation of Wearable Exporters of the Philippines (CONWEP) ang pagbabawas nila ng mga empleyado.
Ito ay dahil sa pagbaba ng demand mula sa kanilang overseas customers, partikular na sa Estados Unidos.
Ayon sa CONWEP, malaki ang epekto sa wearables export sector ng pagbaba ng demand sa consumer goods.
Sa huling tala, tinatayang nasa 4,000 empleyado na ng manpower sa Mactan at Cebu ang tinanggal na sa pwesto dahil sa mababang benta.
Inaasahan din ng CONWEP na magtutuloy-tuloy ito sa mga susunod na buwan na posibleng umabot pa sa pansalamantalang pagsasara ng planta at retrenchment ng mga manggagawa.