Interesado ang kampo ni Senador Manny Pacquiao na makaharap ng pambansang kamao si American WBO Champion Terrence Crawford.
Ibinunyag ito ni Top Rank President Bob Arum matapos aniyang lumapit sa kaniya ang team Pacquiao.
Sinabi ni Arum na pina plano nilang gawin sa labas ng Amerika ang nasabing laban na aniya’y tiyak na kaabang abang.
Ang huling laban ni pacman ay nang talunin si American WBA Champion Keith Thurman.