Permanente nang ipapangalan ng National Basketball Association (NBA) ang All-Star Game Most Valuable Player (MVP) Award sa yumaong NBA legend na si Kobe Bryant.
Ito ang inihayag ni NBA Commissioner Adam Silver bilang pagkilala sa hindi matatawarang ambag ni Bryant sa itinanghal bilang 18 time all-star awardee ng liga.
1998 nang magsimula sa liga si Kobe na kinilala rin bilang pinakabatang manlalaro na sumabak sa all-star game, sumunod kay Kareem Abdul – Jaabar na kapwa nasa edad 19.
Paliwanag pa ni Silver, ang pagpapangalan kay Bryant ang all-star game MVP award ay resulta ng nagkakaisang desisyon ng mga opisyal ng NBA gayundin ng mga manlalaro nito.