Marami sa mga mamamayan ng Brazil ang hindi sang-ayon na sa kanilang bansa ganapin ang Rio Olympics.
Sa isinagawang survey ng Datafolha Polling Institute lumabas na 63 porsyento ang nasurvey na umaayaw sa pagsasagawa ng Olympic sa kanilang bansa.
Ilan sa mga rason ng mga umaayaw ay dahil imbes na kumita ang kanilang bansa ay magagastusan pa ang mga ito.
Sa katunayan ay nagdeklara pa ng state of calamity ang gobernador ng Rio de Jainero para makakuha ng $892 million sa federal emergency funds para pambayad sa mga security details.
Tumaas din ang bilang ng nangyayaring krimen sa kanilang bansa at nagkakaroon pa ng problemang political dahil sa nahaharap sa impeachment ang kanilang suspended president na si Dilma Rousseff.
By Mariboy Ysibido