Tiniyak ng Department of Finance na may sapat na pondo ang gobyerno para ibalik ang animnapung bilyong pisong reserve funds ng PhilHealth na nailipat sa Treasury noong nakaraang taon.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, maaaring maisama ang pondo sa 2026 National Expenditure Program, maliban na lang kung may legal na paraan para maibalik ito nang mas maaga.
Ito ay kasunod ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbabalik ng pondo ay posible dahil sa natipid ng ilang ahensya.
Magagamit anya ang naturang pondo para palawakin ang serbisyo ng PhilHealth, kabilang ang zero balance billing program nito.