Aabot 363 million pesos ang kabuoang halaga na kailangan ng Department of Education (DEPED) para maisaayos ang maraming paaralan na nasira sa Mindanao dulot ng shearline o ang pagsasalubong ng malamig na hanging amihan at mainit na hangin o ang easterlies na nagmumula sa dagat pasipiko.
Sa datos ng DEPED, nasira ang 36 na mga paaralan sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga region dahil sa patuloy na pag-ulan at pagguho ng lupa.
Kabilang sa totally damaged ang 25 paaralan sa Northern Mindanao; 10 sa Caraga region; at isa naman sa Zamboanga Peninsula habang bahagya namang nasira ang iba pang eskwelahan sa Mindanao.
Sa ngayon, patuloy na gumagawa ng hakbang ang DEPED para matugunan ang problema sa mga paaralang nasira bunsod ng shearline.