Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation na mayroon itong sapat na pondo para sa operasyon at benepisyo ng mga miyembro nito para sa susunod na taon.
Gayunpaman, sinabi ni PhilHealth Spokesperson, Dr. Israel Francis Pargas, na susulat sila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para hilingin na pag-aralan ang posibleng epekto ng pagbabawas sa kanilang subsidiya.
Sigurado aniya na maaapektuhan sa 2026 ang administrative expenses ng ahensya dahil naka-depende ito sa social premium contribution.
Una nang dinepensahan ng mga mambabatas ang pagtapyas sa pondo ng PhilHealth dahil hindi naman anila nito ginagamit ang P600-B na reserve funds. - sa panulat ni Laica Cuevas