Nasungkit ng nag-iisang mananaya mula Nueva Ecija ang higit P15 milyong jackpot prize sa regular Lotto 6/42.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO, natumbok ng masuwerteng bettor ang winning combination na 23-02-31-20-06-28.
Habang 36 na mananaya naman ang nakahula sa limang kumbinasyon kaya’t tumama rin ang mga ito ng tig-P24k.
Ang 6/42 lotto ang binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.