Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang halos P1-M na halaga ng kush o high grade marijuana sa Parañaque City.
Ayon sa BOC, nasa 588 gramo ng kush ang nasamsam na nakalagay sa 45 na piraso ng vape cartridge.
Nakalagay ang kontrabando sa isang shipment na may marking ‘sweater gifts’.
Dumating ang kargamento sa bansa mula sa Culver City, California sa Amerika.
Agad namang nagpalabas ng Warrant of Seizure si District Collector Alexandra Lumontad at nagsagawa ng controlled delivery operation.
Sa naganap na operasyon, naaresto ang isang 25-anyos na lalaki, residente ng Don Posco, Parañaque City.
Samantala, tiniyak ni BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz na patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mga kargamentong pumapasok sa bansa. —sa panulat ni Jenn Patrolla