Nakikipagtulungan na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Foreign Affairs Department upang matulungan ang mga overseas Filipino workers na nasa Sri Lanka.
Mababatid na nahaharap sa krisis sa ekonomiya ang nasabing bansa.
Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac, nag-alok na ng tulong ang kanilang ahensya gaya ng pagkakaloob ng basic commodities at repatriation sa mga apektadong OFWs.
Una nang sinabi ni Zeny Gadut, tumatayong adviser ng Filipino community sa Sri Lanka, na mayroong shortage sa suplay ng pagkain sa mga supermarket doon at pahirapan din ang pagbili ng gasolina.
Nasa 700 Filipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa naturang bansa.