Inamin ni outgoing Tourism Secretary Ramon Jimenez ang alok na manatili siya sa puwesto sa pagpasok ng Duterte administration.
Gayunman, sinabi ni Jimenez na buo na ang loob niyang iwan ang public service bagamat mayroon pa aniya siyang unfinished business sa DOT.
Ayon kay Jimenez, nag-iba na ang kanyang priorities nang sumakabilang buhay ang kanyang maybahay.
Ipinabatid ni Jimenez na hindi siya personal na kinausap ni incoming President Rodrigo Duterte subalit maraming emisaryo ang ipinadala para sa posibleng pananatili niyang kalihim ng Department of Tourism.
Kasabay nito, inihayag ni Jimenez na tiniyak niya kay incoming Secretary Wanda Corazon Teo ang competent team nito sa DOT kayat tiwala siyang wala itong aalising opisyal at empleyado sa tanggapan.
By Judith Larino