Fan ka ba ng love story nina Popoy at Basha? At hanggang ngayon ay hindi maka-move on sa mga hugot lines ng pelikulang One More Chance?
Ngayon, available na sa mga book stores ang One More Chance novel na isinulat ni Miguel Sevilla.
Ayon sa author, ang libro ay ‘retelling’ ng classic love story nina Popoy at Basha na ginampanan sa pelikula nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo noong 2007, ngunit mas dinagdagan pa na kung saan mas maraming makukuha ang tao.
Matatandaang naging hit ang pelikula dahil sa mga lines nitong tumatak talaga sa mga moviegoers:
Isa sa mga ito ay ang:
Popoy (John Lloyd Cruz): “She loved me at my worst. You had me at my best. But binalewala mo lang lahat ‘yun.”
Basha (Bea Alonzo): “Popoy, ‘yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.”
Popoy: “And you chose to break my heart.”
Umaasa naman si Miguel na mabibigyan niya ng justice ang pelikula sa isinulat na libro.
Nagpahayag naman ng excitement sa libro ang mga fans sa social media.
By Aiza RendonĀ
Photo Credit: abscbnstore.comĀ