Nag-inspeksyon ang ilang opisyal ng gobyerno sa New Clark City Sports Complex para sa nalalapit na 30th Southeast Asian (SEA) games.
Ito ay para matiyak na handa na ang lahat sa pagdaraos ng SEA games sa Nobyembre 30.
Pinangunahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang inspeksyon kasama sina Presidential Adviser for Flagship Programs and Projects at BCDA President at CEO Sec. Vivencio Dizon, Executive Secretary Salvador Medialdea, House Speaker Alan Peter Cayetano, Finance Sec. Carlos Dominguez, at Department of Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar.
Una rito, binisita na rin ng mga opisyal ang athletes’ village kung saan pansamantalang mamamalagi ang mga atleta, opisyal, at international volunteers para sa SEA games.