Pormal nang binuksan ang bagong emergency treatment facility ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Ito’y sa gitna na rin ng nararanasang pandemya dahil sa COVID-19 ng bansa kung saan, matinding tinatamaan ang mga pulis na nagsisilbing frontliner.
Ayon kay NCRPO Director P/Mgen. Debold Sinas, pansamantala munang tutuluyan ng mga police frontliner ang bagong emergency treatment facility na nakararanas ng mild hanggang severe symptoms ng COVID-19.
Sa kasalukuyan, mayroong 10 bed capacity ang nasabing pasilidad na kumpleto sa mga kagamitan at sapat na bilang ng mga doktor at nurses upang tumingin sa mga pasyente.