Pumasok na ang NBI o National Bureau of Investigation sa kaso ng malagim na pagpatay sa mag-iina sa San Jose Del Monte City sa Bulacan nuong Hunyo 27.
Batay sa inilabas na Department Order 446 ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, inaatasan nito ang NBI na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon at magsumite ng kanilang ulat kapag natapos na ito.
Pinamamadali rin ng kalihim ang case build up laban sa mga suspek partikular na kay Carmelino Ybañez na una nang umamin sa naturang krimen kasama ang dalawa pang itinuturing na persons of interest.
Magugunitang maliban sa pinatay sa saksak ang limang biktima kabilang na ang tatlong menor de edad, sinasabing ginahasa pa ng mga suspek ang inang si Estrella Carlos gayundin ang lola at ina ni Estrella na si Auring Dizon.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
NBI pumasok na rin sa imbestigasyon sa Bulacan Massacre was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882