Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Nationwide lockdown para sa mga hindi bakunado, ipinatupad na rin sa Germany

by DWIZ 882 December 3, 2021 0 comment
COVUD-GERMANY

Nagpatupad na rin ng nationwide lockdown ang Germany para sa mga hindi bakunado sa gitna ng fourth wave ng COVID-19 bukod pa sa banta ng Omicron variant.

Ayon kay German Chancellor Angela Merkel, pawang mga bakunado o nakarekober sa COVID ang papayagang makalabas o magtungo sa mga restaurant, sinehan at iba pang leisure facilities.

Posible naman anyang ipatupad ang mandatory vaccinations sa Pebrero.

Ang fourth wave ng pandemic ang isa sa pinaka-malala sa Germany kung saan nakapagtala ng 388 deaths sa nakalipas lamang na 24 oras. —sa panulat ni Drew Nacino

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment