Aabot sa isang milyong pisong halaga ng mga iligal na droga kabilang ang mga ecstacy at cocaine ang nasabat ng mga awtoridad sa kanilang ikinasang buy bust operation sa Timog Avenue sa Quezon City.
Naaresto naman ang mga suspek na kinilalang sina Sarah Sibayan, Dianne Estrella, Micahel Carag at Niña Recio.
Kabilang sa mga nakuha sa mga suspek ang tatlumpu’t dalawang gramo ng cocaine, dalawang daang tableta ng ecstasy at ilang bote ng liquid ecstacy.
Ayon kay NCRPO Director Gen. Oscar Albayalde, posibleng ang isa sa mga suspek na si Recio ang nag-take over sa drug operations ng kanyang asawang si Raul Cisneros, isang dating US Airforce serviceman na naaresto noong September 2016.
Samantala, sinabi naman ni Quezon City Police District Chief General Guillermo Eleazar na kapuna-puna ang pagtaas ng bentahan ng mga party drugs ngayong holiday.