Ipina-re-refund na ng Department of Health sa French drug manufacturer na Sanofi Pasteur ang nalalabing vials ng Dengvaxia na hindi pa nagagamit.
Ipinasasagot na rin ng D.O.H. sa naturang kumpanya ang gastos para sa test ng mga tumanggap ng bakuna.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, nagpadala na sila ng liham kay Sanofi Pasteur Asia Pacific Head Thomas Triomphe upang ipabatid ang kanilang iginigiit na refund pero wala pang tugon ang nasabing opisyal.
Malinaw anyang nabigo ang Dengvaxia vaccine na ibinenta ng Sanofi na makamit ang clinical at safety benefits dahil ikinukunsiderang depektibo ang mga bakuna.
Isa punto apat na bilyong Piso ang hinihinging refund ng D.O.H. sa nabanggit na French firm na katumbas ng halaga ng nalalabing Dengvaxia vials.