Handa na ang Ninoy Aquino International Airport sa pagdating ng mga Pilipinong inilikas mula sa Middle East kasunod ng tensiyon sa pagitan ng Iran at Amerika.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, susuportahan nila ang mga darating na OFW sa pamamagitan ng pagbibigay ng hoding ares kung saan maari silang iproseso at isalang sa briefings.
Magkakaroon din aniya ng standby na medical team upang mabilis na mabigyan ng ayudang medikal ang OFW na mangangailangan nito.
Sa bahagi naman ng Bureau of Immigaration, sinabi ni BI ports division Chief Grifton Medina, nagpalabas na sila ng memorandum sa lahat ng BI airport heads na siguruhing sapat ang tauhan sa mga terminal upang mabilis na maproseso ang dumating na OFW.
Una nang itinaas sa alert 4 o mandatory repatriation para sa mga Pilipino na nasa Iraq na posibleng maipit sa kaguluhan.