Magpapatupad ng tigil operasyon sa biyahe ng MRT 3 sa apat na weekend mula Hulyo hanggang Setyembre.
Ito’y ayon sa DOTr MRT 3 ay para mapabilis ang rail replacement sa buong linya ng MRT 3 na nakatakdang matapos sa Setyembre.
Ipinabatid ng pamunuan ng MRT 3 na suspendido ang operasyon nila sa July 4-5, August 8-9, August 22-23 at September 12-13 para sa rail replacement works sa southbound at northbound tracks kabilang ang turn out tracks na nasa North Avenue at Taft Avenue Stations.
Sinabi ng MRT 3 na maitataas na sa hanggang 60 kilometers per hour ang takbo ng mga tren kapag nakumpleto na ang pagpapalit ng riles ng buong linya ng MRT 3.