Tiniyak ng MMDA noong Miyerkules na ang lahat ng violation na nahuli ng AI-powered CCTV sa ilalim ng No-Contact Apprehension Policy (NCAP) ay mano-manong susuriin ng kanilang mga tauhan. Binigyang-diin nila na invalid ang violation kung mapapatunayang nagbigay daan sa mga emergency vehicle ang motorista.
Maaaring mag-apela ang publiko ng violation online sa MMDA Traffic Adjudication Division. Ayon kay MMDA Chair Romando Artes, ang mga tauhan ng NCAP, karamihan ay mga bingi, ang nagre-review ng mga video, at ang AI CCTVs ay nasa EDSA lang.
Hanggang 3 p.m. ng Miyerkules, nakapagtala ng 552 violations, mas mataas sa 549 na nahuli noong Martes. Sa unang araw ng muling pagpapatupad ng NCAP, umabot sa 1,112 violations.