Muling nagpaalala sa publiko ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa maayos at tamang pagtatapon ng basura ngayong tag-ulan.
Layunin nitong mapaigting ang kampaniya sa paglilinis sa loob at labas ng bahay upang maiwasan ang pagsirit ng mga tinatamaan ng Dengue.
Ayon sa MMDA, madalas pinamumugaran ng mga lamok ang mga imbakan o lagayan ng tubig na walang takip.
Tambayan din ng mga lamok ang mga maruruming lugar kaya’t kailangang paigtingin ang 4S Habit kontra Dengue.
Kailangan din na panatilihin ang proteksyon at kalinisan ng bawat isa dahil ito ang mabisang paraan para sugpuin ang lamok at maiwasan ang sakit na Dengue.