Magluluwag ang Metro Manila Development Authority sa mga motorista sa darating na holiday season.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, pagtutuunan nila ng pansin ang ‘traffic management at palalagpasin na lamang ang ‘minor violations’ gaya ng swerving.
Gayunman, binigyang-diin ng MMDA Chief na nasa traffic enforcer pa rin ang desisyon kung alin ang maituturing na ‘minor offense.’
Bukod sa nasabing polisiya, ipakakalat din ang enforcers hanggang madaling araw sa halip na nakasanayang hanggang alas-diyes lamang ng gabi simula a-disi otso ng Nobyembre.
Ipatutupad din sa kaparehong petsa ang adjusted mall hours at pagbabawal sa road digging at iba pang road repair operations. - sa panulat ni Laica Cuevas