Sampung katao ang patay sa bakbakan ng Militar at Abu Sayyaf sa Sulu.
Ayon kay Armed Forces Western Mindanao Command Spokesman Major Filemon Tan, 9 na miyembro ang nalagas sa Abu Sayyaf Group sa ilalim ng pamumuno ni Kumander Radulan Sahiron.
Sugatan ang 13 kasapi ng bandidong grupo.
Samantala, sa hanay naman ng Militar, Isa ang nasawi habang 6 na iba pa ang sugatan.
Nagsimula ang bakbakan noong Miyerkules ng gabi na nagtagal ng 5 oras at nagsimulang muli ng umaga.
By: Avee Devierte