Boring graduation clothes no more. Mapapa-sana all ka na lang talaga dahil sa isang unibersidad sa Japan, pinapayagan ang mga graduates na magsuot ng kahit anumang gustuhin nila sa araw ng pagmartsa.
Kung ano ang sinuot ng mga estudyante, eto.
Tuxedos, dresses, filipiniana, barong, o di naman kaya ay school uniform ang kadalasang graduation attire ng mga estudyante at mahigpit ding ipinagbabawal ang pagsuway dito.
Pero sa mga unibersidad sa Japan katulad ng Kyoto University, Kanazawa College of Art, at Kyoto City University, binibigyang laya ang mga estudyante na isuot anuman ang gustuhin nila sa araw ng graduation.
Katulad dito sa pilipinas, suits at dresses din ang sinusuot ng mga Japanese graduates o di naman kaya ang kanilang traditional clothing na hakama kimono.
Pero matapos pahintulutan at i-anunsyo ang pag-adapt ng Kyoto University sa pagsusuot ng unusual graduation attires, nagkaniya-kaniyang diskarte na ang mga estudyante sa pag-iisip kung paano gagawing creative ang kanilang graduation outfit.
Pagdating sa araw ng graduation, makikita sa isang social media post ang mga estudyante sa auditorium na tila cosplay event ang dadaluhan at hindi graduation.
Makulay kasi ang suot ng mga ito at ang ilan sa kanila ay piniling magsuot ng costume ng mga cartoon at movie characters.
Sa mahigit isang libong replies ng nasabing post, nagkaniya-kaniyang pili ang mga netizen ng paborito nilang costume habang ang iba naman ay nag-share kung gaano kahigpit sa school nila pagdating sa graduation attire at hiniling na sana ay i-implement din ito sa kanila.
Samantala, ang pagpapahintulot sa mga estudyante na maging creative sa kanilang garduation attires ay isa palang tradisyon at bago pa ito i-adapt ng Kyoto University ay nauna na ang Tokyo University.
Ikaw, sawa ka na ba sa nakasanayan mo? Gugustuhin mo rin ba na i-adapt ito ng mga eskwelahan dito sa pilipinas?