Nadagdagan pa ang bilang ng mga Senador na sumusuporta sa isinumiteng resolusyon ni Senador Panfilo Lacson na nagsusulong buoin bilang constituent assembly ang Senado.
Ayon kay Lacson, kabilang sa mga tumatayong co – author sa inihain niyang resolusyon ay sina Senate Majority Floor Leader Tito Sotto ; Senadora Grace Poe ; Senador Juan Miguel Zubiri at Senador Gringo Honasan.
Habang nagpahayag din ng suporta si Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon sa resolusyon basta ito aniya ay nagsusulong ng ‘voting separately’.
Halos nagkakaisa na ang mga senador na hindi sila papayag sa ‘voting jointly’ pagdating sa pag – amyenda ng saligang batas Dahil mawawalan lamang anila ng saysay ang boto ng Senado.