Nananawagan ng tulong mga tripulanteng Pinoy ng M/V Olympic na isang cargo vessel na nakadaong Manila Bay anchorage area.
Ito’y dahil isa sa 15 pinoy crew na dinapuan ng COVID-19 doon ang binawian na ng buhay.
Mababatid na ang M/V Olympic na isang Liberian registered cargo vessel ay patungo sanang China para ihatid ang mga karga nitong coal o carbon na mula naman sa Indonesia.
Pero ayon sa kwento ng isang tripulanteng Pinoy, napilitan silang dumaong sa bansa matapos na hindi sila tanggapin sa pantalan ng China makaraang magpositibo sa COVID-19 ang kanilang mga kasamahan.
Dahil dito, nanawagan ng tulong sa pamahalaan ang mga tripulanteng Pinoy dahil magmula anila dumaong sa bansa ang cargo vessel ay nag-sasariling sikap na lamang sila rito.
Samantala, matapos nito ay nakausap na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang kinatawan ng cargo vessel at agad na ipapadala sa mga pasilidad, habang ang nasawing kasamahan nila ay naibaba na sa barko at agad nang na-cremate.