Hindi umano sakop ng kautusan ng CSC o Civil Service Commission na nagbabawal sa mga mayruong dual citizenship na humawak ng kahit anong posisyon sa pamahalaan.
Ito ang ginawang paglilinaw ng NPF o Nayong Pilipino Foundation makaraang kuwesyunin ang appointment kay NPF Chairman Patricial Ocampo dahil sa pagiging dual citizen nito.
Iginiit ni NPF Spokesperson Joyce Reano na ang mga Presidential appointees tulad ni Ocampo ay nagsisilbi batay sa kagustuhan ng kanilang appointing authority at iyon aniya ay ang Pangulo ng bansa.
Magugunitang nakasaad sa Memorandum Circular No. 23 ng CSC na hindi maaaring italaga sa alinmang posisyon sa pamahalaan ang mga may dual citizenship kung hindi nito yayakapin ng buo ang pagiging Pinoy.
Binigyang diin pa ni Reano na minsan nang nilinaw ni CSC Asst/Comm.Ariel Ronquillo na isang experto sa public service law na hindi saklaw ng kautusan ng komisyon ang mga appointees na pinangalanan mismo ng Pangulo.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Aya Yupangco
Posted by: Robert Eugenio