Maraming dapat ipaliwanag ang mga kinauukulang opisyal ng gobyerno partikular ang mga taga- Inter Agency Task Force at Department Of Health (DOH) sa isasagawang pagdinig ng Committee of the Whole bukas, ika-15 ng Hunyo.
Ito ay ayon kay Senator Kiko Pangilinan pangunahin sa kanilang dapat ipaliwanag ay ang hinihinging karagdagang P25 bilyon na budget para sa bakuna.
Anya, aalamin muna nila kung ano na ang nangyari sa P82.5 bilyon na alokasyon ngayong taon para pambili ng bakuna at bakit humihirit pa sila ng karagdagang budget para dito.
bubusisiin din anya ng Senado kung bakit maraming Local Govenment Units o LGU ang dumadaing sa kulang na supply ng bakuna na kanilang natatanggap.
Bukod dito, aalamin din ni pangilinan ang tunay na status ng testing, tracing at isolation.
Gayundin ang status ng vaccine rollout lalo na’t dumadami pa din ngayon ang mga kaso ng covid lalo na sa mga probinsya tulad ng Leyte, Iloilo ay Davao.
Isa si senator pangilinan sa mga Senador na sumulat at humiling kay Senate President Vicente Sotto III na muling magsagawa ng pagdinig ang cow para masuri ang pagtugon ng gobierno sa pandemya particular lang vaccination rollout.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)