Siyam na beses na mas mataas ang kontrata ng DOH sa Pharmally Pharmaceutical Corporation para sa medical supplies, kaysa budget ng Office of the Vice President (OVP) ngayong taon
Ayon kay Vice President Leni Robredo, nasa halos P909-M lamang ang budget ng OVP na ginagamit pa nito sa COVID-19 response kumpara sa halos P9-B na kontrata ng DOH at Pharmally.
Sinabi ni Robredo na nakakagulat ang halaga ng nasabing kontrata na sobrang laki at pauna pa lamang ito dahil may dagdag pang lampas.
Binatikos ni Robredo ang pagbili ng mga naturang medical supplies at tila lumala pa ang mga alegasyon ng katiwalian ngayong pandemic.