“Dapat may pangil ang mga itinalagang Independent Commission for Infrastructure.”
Ito ang iginiit ni Kabataan Partylist Representative Renee Co matapos pangalanan ng Malacañang ang ilang miyembro ng independent commission para imbestigahan ang mga iregularidad at korapsyon sa flood control at iba pang infrastructure projects ng pamahalaan sa nakalipas na taon.
Ayon sa kongresista, nangangamba ang kanilang grupo dahil sa posibilidad na selective justice kaya’t mahigpit nila itong imomonitor upang matiyak na walang magiging favoritism sa pagresolba o pag-iimbestiga sa naturang kaso.
Ibinabala pa ng kongresista na maaaring magpalala ng tensyon at magbunsod ng malawakang protesta ang kawalan ng patas sa imbestigasyon sa katiwalian ng flood control projects.