Muling ipinatupad ng Japan ang mahigpit nitong border control, na nagbabawal sa lahat ng bagong foreign arrivals dahil sa banta ng Omicron COVID-19 variant.
Ayon kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida, epektibo ang nasabing hakbang simula ngayong araw.
Magpapatupad din anya ng karagdagang quarantine restrictions sa mga Hapones na dumarating mula sa 14 na bansang mayroong kumpirmado at hinihinalang kaso ng Omicron variant.
Simula nang pumutok ang pandemya, halos sarado ang mga border ng Japan sa mga bagong foreign visitor.
Gayunman, nitong unang linggo ng Nobyembre ay bahagyang nagluwag ang Japanese government at pinayagan ang short-term business travelers, foreign students at iba pang visa holders na pumasok ng kanilang bansa. —sa panulat ni Drew Nacino