Hindi makokompromiso ang kaligtasan ng mga guro at estudyante sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24.
Ito ang tiniyak ni Education Undersecretary Tonisito Umali bilang tugon sa mungkahi ni Sen. Sherwin Gatchalian na ipagpaliban muna ang ‘school opening’ bunsod ng posibilidad na mapalawig pa ang modified enhanced community quarantine sa ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.
Giit ni Umali, hindi naman malalagay na panganib ang kaligtasan ng mga guro lalo’t wala pa namang pangangailangan para maghatid ng mga learning materials sa mga komunidad sa unang dalawang linggo ng school year dahil ilalaan muna ang panahong ito sa pagsasagawa ng orientation at psycho-social interventions.