Hindi na isasailalim sa recalibration ang metro ng taxi para sa mas mataas na singil sa pasahe sa susunod na buwan.
Sinabi ni Land Transportation Franchising And Regulatory Board Deputy Executive Director Robert Peig, tanging ang flagdown rate lang naman ang tataas sa taxi at hindi kasama ang suceeding kilometers.
Dagdag ng LTFRB na imbes na recalibration, maglalabas sila ng notice na maaaring ipaskil sa mga taxi units para magabayan ang mga pasahero sa dagdag na P 5.00 sa flagdown rate.
Samantala, inaasahan naman ng ahensiya na dadagsa ang mga mag-aapply ng fare matrix bago tuluyang maging epektibo ang fare hike sa October 3.