Handa ang Metro Manila sakaling isailalim na ito sa Modified General Community Quarantine o MGCQ.
Ito’y ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos ngunit dapat pa rin aniyang i-konsidera ng local city executives ang presensya ng bagong variant ng virus.
Aniya, pag-uusapan nila itong mabuti kasama ang mga alkalde sa National Capital Region.
Samantala, hinikayat naman ni Abalos ang publiko na magpabakuna upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Sa huling tala ng DOH, may 17 na nag-positibo sa delta variant ng COVID-19 sa bansa. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico