Inialok ng Archdiocese of Manila ang Manila Cathedral bilang lugar kung saan maaaring ganapin ang pagpapabakuna laban kontra COVID-19.
Lubos na nagpasalamat si Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa pag-alok sa Manila Cathedral bilang COVID-19 vaccination site.
Ayon pa kay Domagoso, napakahalaga aniya ng lugar na paggaganapan ng naturang pagpapabakuna.
Samantala, ayon kay Manila Archdiocese Apostolic head Bishop Broderick Pabillo, maaaring magamit ang Manila Cathedral bilang vaccination site simula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.
Maliban sa Manila Cathedral, handa rin aniyang mag-alok ang Archdiocese ng Maynila ng iba pang lugar na maaaring magamit bilang vaccionation site.