Umapela ang Malakaniyang sa publiko na makiisa para matalo ang forecast ng UP experts na papalo sa 60,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa sa katapusan ng buwang ito.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magtatagumpay ang laban kontra COVID-19 kung sasama rito ang sambayanan sa pamamagitan nang pagsunod sa health protocols tulad ng physical distancing, pagsusuot ng face masks at madalas na paghuhugos ng kamay.
Target aniya ng gobyerno na hindi umabot kahit man lang sa 50,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Magugunitang inulan ng batikos si Roque nang i-congratulate ang Pilipinas nang hindi maabot ang forecast ng UP na aabot sa 40,000 ang COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Hunyo.