Siniguro ng Malakanyang na walang diskriminasyon sa mga kababaihan na nagnanais na nagta trabaho sa gobyerno.
Kasunod ito ng panibagong pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pipiliin para maging Ombudsman ang mga pulitiko at mga kababaihan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan niyang i- clarify sa Pangulo kung ito ba talaga ang ibig sabihin nito.
Aniya, ngunit sa kanyang pagkakaalam ay walang namang umiiral na diskriminasyon sa mga papasok sa gobyerno dahil kahit sino ay maaring ma- appoint sa pamahalaan.
Una nang tinukoy ng Pangulo na mahalagang mayroong integridad ang susunod na maging Omudsman at hindi isang pulitiko o babae.