Itinaas na ang lightning red alert ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Epektibo ang naturang alert dakong 1:29 ng hapon ng Biyernes, August 9, 2019, bunsod pa rin ng nararansang malakas na buhos ng ulan na may kasama pang pagkulog at pagkidlat.
Ayon sa MIAA, kinailangang suspindihin ang flight at ground operation sa paliparan dahil maaari itong magdulot ng panganib.
Samantala, ibinaba naman sa yellow ang alert level sa NAIA dakong 1:39PM kaya’t nag-resume na ang normal na operasyon ng gma flights.