Nanindigan ang Malacañang na wala nang pork barrel fund sa higit P3 trilyong pisong panukalang budget sa susunod na taon.
Sa kabila ito ng bintang ni dating Senador Panfilo Lacson na nagawa itong maisingit bilang lump sum budget sa mga ahensya ng pamahalaan.
Tahasang sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na malabong magkaroon ng pork barrel sa proposed 2016 budget dahil tumatalima ang pamahalaan sa desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang iligal ang PDAF o Priority Development Asssistance Fund.
Tinatayang nasa P145-billion na pork barrel ang nakapaloob umano sa budget na pinangangambahang gagamitin sa kampanya sa 2016.
By Meann Tanbio