Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), mahigit 85,000 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang napalaya mula Hunyo 2024 hanggang Mayo 2025 sa tulong ng pinalakas na paralegal services, Good Conduct Time Allowance (GCTA), probation, parole, at piyansa.
Batay sa ulat ng BJMP, mahigit 15,000 PDL ang inilipat sa mga pasilidad tulad ng BuCor, provincial jails, at drug treatment centers. Mahigit 5,000 kaso ang tuluyang na-dismiss, habang nasa 6,000 ang pansamantalang na-dismiss. Ilan din ang naabsuwelto o nakapagsilbi na ng buong sentensiya.
Samantala, 340 PDL ang inatasang magsagawa ng community service bilang alternatibo sa pagkakakulong, at mahigit 3,000 ang pinalaya bilang pagkilala.