Umabot na sa apatnara’t isang human skeletal remains ang na-recover ng mga otoridad sa Taal Lake mula July 10 hanggang sa kasalukuyan, sa gitna ng nagpapatuloy na search and retrieval operations sa mga nawawalang sabungero sa Taal Lake.
Ayon sa Department of Justice, ang mga labi ay natagpuan sa loob ng mga sako na nakatali sa mga sandbag na ginawang pabigat.
Itinurn-over na ang mga na-recover na buto sa PNP Forensic Group para sa agarang pagsusuri.
Hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang diving operations sa Taal Lake kung saan nauna nang tumestigo ang whistleblower na si Julie ‘alyas Totoy’ Patidongan na sa lawa umano ipinapon ang labi ng mga missing sabungeros.