Pumalo na sa mahigit 3,500 na mga containers ang tinanggal ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa pag-o-overstay sa kanilang pantalan.
Dahil dito, isinalang sa public auction ang mga lamang TV, tiles, plywood at iba pang kagamitan sa naturang mga containers na nagresulta naman sa kita ng ahensya na aabot sa higit P1-B.
Kasunod nito, ayon sa BOC, mas magiging mabilis ang pagsasagawa ng negosyo dahil lumawag at nabawasan ng laman ang pantalan.
Sa impormasyon ng BOC, ang mga overstaying containers ay nagmula sa mga nahuli ng mga tauhan ng ahensya, o ‘di kaya’y iniwan ng mga may-ari nito.
Sa huli, paliwanag ng BOC, ang kanilang ginawang pagsubasta sa mga laman ng mga naturang kontrabando ay alinsunod sa polisiya nito na ang mga kontrabandong itinuturing nang for disposition ay maaari nang i-donate, ideklarang official use ng ahensya, at isalang sa public auction.