8 ang nasawi habang mahigit 360 kaso ng acute gastroenteritis ang naitala sa lalawigan ng Antique.
Nagmula ang mga namatay sa bayan ng Hamtic, Valderrama at San Regimio.
Ayon kay Integrated Provincial Health Office (IPHO) Information Officer Irene Dulduco, hinihinalang kontaminado ang pinagkukuhanang tubig ng mga residenteng tinamaan ng nabanggit na sakit.
Na-monitor umano ang mga kaso noong November 11, ilang linggo matapos ang hagupit ng Bagyong Paeng sa lalawigan.
Lumabas din aniya sa water sampling na nagpositbo sa E.Coli bacteria ang pinagkukuhanang tubig.
Inabisuhan naman ng health office ang mga residente na pansamantalang gumamit g mineral water at I-report agad kung makararanas ng matinding pagsakit ng tiyan, diarrhea, at pagsusuka.