Kinuwestyon ni Sen. Risa Hontiveros ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa napakalaking dibidendo na pinaghatian ng mga shareholders nito.
Sa pagdinig ng senate committee on energy, ibinuyag ni Hontiveros batay sa nakuha niyang report na aabot sa P187.8-B ang corporate dividends o kita ng NGCP na pinaghati hatian ng mga shareholders nito sa nakalipas na 10 taon.
Bukod pa ito aniya sa P369-M na ginastos ng NGCP para sa representation and entertainment gayundin ang P79-M na ginastos para sa advertising noong mga taong 2017 at 2018.
Banat ni Hontiveros, nagawang gumastos ng NGCP para sa entertainment at advertisement ng ahensya subalit hindi naman nito magawang ipaayos ang power grid sa bansa.
Kaya naman tanong ni Hontiveros, ipinasa ba ng NGCP sa taumbayan ang pasanin para sa kanilang pagpapabango gayung marami ang kanilang delayed o uncompleted transmission projects.